Tuesday, October 21, 2008

Braxton Hicks... Yun Pala Yun!

Happened early Saturday morning... Biglang may bumukol na matigas na matigas na spot (parang dalawang kalamansi ang laki) sa tiyan ko. Imposibleng siko or sipa ni Potling dahil masyado pa siyang maliit. Sabi ng nanay ko, si Potling daw yun, nag-iinat o nagra-rambo. Wala raw problema basta hindi matagal ang paninigas. Kinilig ako!

Kinuwento ko kay Kleyr. Ang sabi niya, malamang - BRAXTON HICKS.

So binasa ko ito:

http://www.americanpregnancy.org/labornbirth/braxtonhicks.html

At ito:

http://www.babycenter.com/0_braxton-hicks-contractions_156.bc

Oo nga! Yun pala yun! At sigurado akong naglilikot nga ang Potling!

Friday, October 3, 2008

Your pregnancy: 11 weeks

From: BabyCenter

How your baby's growing:

Your baby, just over 1 1/2 inches long and about the size of a fig, is now almost fully formed. Her hands will soon open and close into fists, tiny tooth buds are beginning to appear under her gums, and some of her bones are beginning to harden.

She's already busy kicking and stretching, and her tiny movements are so effortless they look like water ballet. These movements will become more frequent as her body grows and becomes more developed and functional. You won't feel your baby's acrobatics for another month or two — nor will you notice the hiccupping that may be happening now that her diaphragm is forming.

See what your baby looks like this week.

Note: Every baby develops a little differently — even in the womb. Our information is designed to give you a general idea of your baby's development.


Thursday, October 2, 2008

Amnio-Present

Somewhere between 2:00 AM - 2:15 AM... Potling made his/her amnio-presence felt!

It didn't feel like gas at all.

There were swirling, throbbing and fluttering movements from Q4 (think Math quadrants) of my lower abdominal area.

The dancing-kicking-rolling - whatever it was - lasted for more than 10 minutes.

I felt my skin stretchhhhh to accommodate the big movements (parang theater!) of the little one.

Proud Dadda said - baka nagtatayo na yan ng gym sa loob!

I thought of ... Russian sommersaults.








God is good.

---
amnio - amniotic

Monday, September 29, 2008

Si Dadda naman

Ten years from now, pag nakakaintindi na si Potling, siguradong magtataka at mag-iisip siya kung bakit si Mommy lang niya ang nagsusulat ng mga naiisip, nararamdaman at kung anu-ano pang hinagap habang tenant siya sa isa sa mga second-to-the-smallest classrooms in the world. Kaya para hindi niya yun maisip, heto't magpaparamdam for the first time (in writing) ang Dadda niya.

Disclaimer lang, nung nasa college pa kami ni Potengsh, hilig ko talaga (well, namin) ang pagsusulat. Pero mula nung maka-graduate at magtrabaho, parang nagkaroon ako ng alienation sa paghahabi ng salita. Alam ko, walang justification, pero kung ikaw na ang maghapong walang ginawa kundi gumawa ng kopya tungkol sa mga superficial needs (the ultimate lifestyle is all here... where everything comes together!) o mag-edit ng mga "report" mula sa mga hindi man lang makabuo ng isang matinong 10-word English sentence (this is Baby product, with music and sound for each button on the chair and Teaching function for baby is very easy), siguradong isang delightful sight para sa yo at the end of the day ang isang durog na keyboard, basag na monitor at mangled na Clippit. Good luck na lang sa efforts mo na makapagsulat ng kahit anong may katuturan.

Kaya makalipas ang anim na taong pananahimik, susubukan ko ulit ang isang nakalimutang sining. Alang-alang sa pinakamamahal kong si Potling. Op kors, pati na rin si Potengsh.

Sabog-sabog ang takbo ng isip ko mula nung nalaman namin na dumating na si Potling. Pero hindi yung sabog of the bad kind. Parang labo-labong mga iniisip na kung susumahin eh klaro pa rin ang lahat sa akin. Isang beses naglalakad ako sa Paseo para magwithdraw ng pera. One moment iniisip ko kung magiging mabuti kaya akong tatay. The next moment, walang segue-segue, bigla ko na lang naisip na mukhang magandang pangalan ang Keith Ian (Conrad, kung may third name), pero binawi ko rin kasi walang input si Potengsh dun. Tapos, pano kaya yung setup namin pag andyan na si Potling? Sino kayang mag-aalaga sa kanya habang nasa opis kami? Kelangan ko kayang magresign?

Tapos isang hapon, may nakita akong link sa Fark tungkol sa isang tatay na humihingi ng tulong para sa anak niyang may brain cancer. Alam ko Amerikano sila at kung tutuusin, mas maraming nangangailangan ng tulong sa Darfur, Somalia, Myanmar, North Korea at kung saan-saan pang impyerno sa mundo. Pero parang may nalusaw sa pagkatao ko nung sinabi niyang "I feel so pathetic asking for help from strangers", na kung ako ang nasa kalagayan niya, paano kaya? Di ko napigilan ang sarili ko. Naglabas ako ng wallet at nagbigay ng maliit na halaga. Usually hindi ko yun ginagawa. OK, correction, hindi ko TALAGA yun ginagawa. Kahit nga nakakakita ako ng streetchildren dito na mismo sa atin, hindi pa rin ako nagbibigay kahit 5 sentimong may tapal. Ewan ko, iba kasi yung siya tatay, ako magiging tatay na din. Siya kelangan ng tulong yung anak para makasama at mahawakan pa nang matagal, ako hindi pa man nakikita ang anak pero gustong gusto ko nang makasama at mahawakan siya. Hindi ko pa rin ma-pinpoint nang maayos bakit ako nagkaganun. Posibleng may isang dahilan lang, posibleng sangkatutak. Sana lang pag nababasa na ni Potling ito, meron na akong final answer para sa kanya.

Naglilihi Ba Ako?

Ito na ang sagot sa tanong ng marami... naglilihi ba ako? Oo naman. Kung ang definition ng lihi ay ang nakababaliw na pagnanasang makain, maamoy, makita, makasama ang isang tao, bagay, hayop o pagkain (0 ang kabaligtaran), yes, guilty ako. Ang kaibahan lang, hindi ako consistent sa hinahanap. Madalas pagkatapos ng dalawa o tatlong linggo, tapos na rin ang craving. Ito ang listahan that keeps growing and growing...

1. Loaded - hindi ko pa alam na buntis ako nung mga panahong nangungulit ako kay Dexter at Mother para sa Loaded
2. Andok's Litson Manok - iniyakan ko si Sharksfin sa telepono. Disoras ng gabi. Nasa Makati ako. Nasa Caloocan siya. Gusto ko ng Andok's at dahil hindi posibleng maibili niya ako ng manok, pumalahaw ako ng iyak. Last week of August nung mangyari ito. Two weeks ago, bumili kami ng Andok's, nasusuka na ako sa amoy. Hindi ko na gusto. Last week, nagdala si Josie Pussy sa bahay ng Andok's nung dinalaw niya ako. Alam niya paborito ko ang Andok's. Ayun, hindi ko rin natikman.
3. Chowking Chicken Noodles
4. Coco Crunch - hindi ako kumakain nito noon. Napaniginipan ko lang na masarap daw ito with bananas, apple at kiwi. Totoo nga.
5. Champorado ng tita ko - ongoing ito... nagpupustahan na ang mga kamag-anak ko na negro/negra si Potling dahil sa number 1 at 4 - puro maitim. Idagdag pa ang panaka-nakang paghahanap ko ng Hersheys with Almonds at Country Style choco logs (nakalimutan ko ang tawag)
6. Pansit ng tita ko na masarap sa kanin at tuyo (o ayan tuyo, maitim na naman)
7. Buko Juice - hindi masyadong magatas
8. Last week lang, mga 4 AM naghanap ako ng chickenjoy at yum. Ginising ko si Sharksfin. Muntik na niya akong dagukan dahil pagkatapos ng mahabang proseso ng pag-order, pagdating ng chickenjoy, hindi ko kinain.
9. Tocino - life saver. Kapag wala akong magustuhang ulam, ito ang tagapagligtas kaya sa ref namin ay palagi ngayong may imbak na tocino.
10. Jollibee Spaghetti - parang tocino, life saver din
11. Fishballs - oh yes. Maski noon pa.
12. Malamig na malamig na tubig - natuklasan kong panlaban ito sa queasiness - salamat sa nanay ko. Hindi ako palainom ng tubig noon kaya kasama ito sa listahan.
13. Guwapo sa paningin ko si Obama (maitim na naman)
14. Lalong gumawapo sa paningin ko si Bossing (maitim nang kaunti)
15. Parang fishballs, maski noon pa... ligayang ligaya akong amuy-amuyin at panooring matulog si Sharksfin.

May mga nalimutan pa siguro ako - napapansin ko marami akong nakakalimutan these days. May mga prutas naman ano. Mangga, singkamas, ponkan sa madaling araw. Kinatuwaan ko si GIZMO, yung mabait na Gremlin. Takot na takot ang mga tao sa bahay noong mga panahong iyon. Lumalabas ang mga ugat ni Sharksfin habang ginagawa ang signature niyang pabulong na pagtili - wag mo tingnan yan tatlo lang daliri niyan!

Nakakatakot din ha. Pero kapag naglalaway ka na, maiisip mo pa ba ang mga posibleng outcome ng lahat ng kakainin mo o katutuwaan? Gaya nung pinaglihi sa malas, mukhang pera, mukhang ewan. Ay nako. Keber.

Saturday, September 27, 2008

Your pregnancy: 10 weeks

From: http://www.babycenter.com/6_your-pregnancy-10-weeks_1099.bc?read_more=1&scid=mbtw_preg10:142&pe=2Uw7h0R

How your baby's growing:
Though he's barely the size of a kumquat — a little over an inch or so long, crown to bottom — and weighs less than a quarter of an ounce, your baby has now completed the most critical portion of his development. This is the beginning of the so-called fetal period, a time when the tissues and organs in his body rapidly grow and mature.

He's swallowing fluid and kicking up a storm. Vital organs — including his kidneys, intestines, brain, and liver (now making red blood cells in place of the disappearing yolk sac) — are in place and starting to function, though they'll continue to develop throughout your pregnancy.

If you could take a peek inside your womb, you'd spot minute details, like tiny nails forming on fingers and toes (no more webbing) and peach-fuzz hair beginning to grow on tender skin.

In other developments: Your baby's limbs can bend now. His hands are flexed at the wrist and meet over his heart, and his feet may be long enough to meet in front of his body. The outline of his spine is clearly visible through translucent skin, and spinal nerves are beginning to stretch out from his spinal cord. Your baby's forehead temporarily bulges with his developing brain and sits very high on his head, which measures half the length of his body. From crown to rump, he's about 1 1/4 inches long. In the coming weeks, your baby will again double in size — to nearly 3 inches.

See what your baby looks like this week.

Note: Every baby develops a little differently — even in the womb. Our information is designed to give you a general idea of your baby's development.

How your life's changing: At your next prenatal visit, you may be able to hear your baby's rapid heartbeat with the help of a Doppler stethoscope, a handheld ultrasound device that your practitioner places on your belly. Many women say that the beating of their baby's tiny heart sounded like the thunder of galloping horses and hearing it for the first time was very moving.

Monday, September 22, 2008

Potling's First Toy - Ada

Lola (my mom) was extremely proud of Potling's hypergrowth... she got Potling his/her first toy - Ada.

Ada is a tiny stuffed toy. She's a mouse (song from Mighty Mouse and the Robo-rats - Adaga daga daga daga)... She comes with a pink scarf and the soles of her tiny feet are pink. Lola said she looked very "maangas" and smart that she thought of Potling when she saw her.

I will upload Ada's pic one of these days.

Sunday, September 21, 2008

Potling @ 8 Wks 3 Days



Potling is a big ball now!

From 8.8 mm (09/04/08), his/her crown to rump length is now at 25.10 mm. The big ball that surrounds Potling in the video is not a pokeball. It's the yolk he/she grew on. Doctor said that the yolk will eventually disappear and Potling will start relying on the placenta for "food."

Ideal baby heart rate is 160 beats per minute. Last time we saw Potling (09/04/08), his/her heart rate was 124 beats per min. After 16 days of rest and medication, his/her heart rate is now at 167! Whew!

As for the post's title... I might need to edit. Potling is such a big ball now that his/her size has become compatible to that of a 9 wks 1 day old babe.

Go Potling go!!!

Friday, September 5, 2008

6 Wks 1 Day

Sa bandang huli, maririnig ang stage dadda na nagtatanong sa sonologist kung meron ba silang measurement ng heart. Taray diba!



*Publishing date adjusted to reflect actual ultrasound date

Saturday, August 16, 2008

Yes! We Are!

In 2004, I was diagnosed with PCOS. Polycystic Ovarian Syndrome. Maraming readings na mahahanap tungkol diyan online pero ang pinakasimpleng paliwanag ng doktor ko ay ito... Sabi niya:

Ang ovary ng babae, kada buwan nagkakapimple. Yung pimple, nahihinog. Pag nahinog ang pimple, pumuputok - yun ang ovulation. Ang nangyayari yung egg, pina-pop papunta sa lugar kung saan siya puwedeng ma-fertilize. Ikaw, hindi naipo-pop ang itlog mo. Naca-capture ng film-like cover ng ovaries mo ang fertile na egg at ginagawang cysts. Dahil salitan yan, kung mapapansin mo, 12 per ovary na ang cyst mo. Bale 24 kasi two years na.

Walang gamot sa PCOS until may sigurado ka nang course of action. Kung ayaw mo na magkaanak, papatanggal mo ovaries mo. Kung gusto mo manganak, pipila ka sa Obando - or sa mga fertlitily clinic. Mahirap, if not imposible, magkaanak sa natural na paraan ang may PCOS.

Ako, nung mga time na yun, hindi pa makapili ng gagawin dahil may isang plot pa pero saka na yung kuwento. Anyway, this year, nagkaayos na kami ni Sharksfin ng petsa na papakasal. Handa na akong gumastos sa artificial insemination pero si Sharksfin, mas may faith. Naniniwala siyang kaya namin. Kaya pinagtiyagaan (as if!) na naming makabuo ng bagets. Hindi kami puwedeng makasal ngayong taon dahil naunahan ako ng kapatid ko - sana hindi ko na lang alam ang konsepto ng Sukob dabaz. January 2009 pa kami puwedeng makasal pero nagsimula na kaming mag-honeymoon! Of cousre, walang magulang na matutuwa diyan, pasintabi na lang.

Noong nagsisimula ang August, marami akong napapansing kakaiba. Una, napapadalas ang pag wiwi ko. Pangalawa, todo ang pagka-antukin ko (oo dati na pero mas grabe pa ngayon). Pangatlo, nahuhuli ko ang sarili ko na himas nang himas sa puson. Pang-apat, nanaginip akong positive ako sa pregnancy test. Dahil dyan, humiling na naman ako kay Sharksfin na bumili ng Medic (nakakailan na kaming test). Sabi niya, may nararamdaman ba ko na meron? Sabi ko, ewan. Hindi ko na trusted ang mga nararamdaman ko pagdating sa usaping ito. Kasi naghahalo ang desire at ang reality. Ilang beses ko na inakalang meron pero wala.

Mga 4 AM, pag uwi sa Kural Reef nung nag test ako. Kinuha ko lang sa bag ni Sharksfin ang Medic kasi tulog siya. Yosi pa ko habang naginintay ng resulta. May manipis na second line. First time ko lang makakita ng ganung second line. Labas ako ng banyo, nagyoyosi si Abuelita. Mother, tingnan mo nga ito. Hithit - tingin sa kit - buga ng usok si Abuelita.

"You might be. Bili ka pa ng dalawang kit bukas." Yosi ulat.

Parang mababaliw ako sa mga kaganapan. Ginising ko si Sharksfin.

Uy tingnan mo ito.

Pupungas pungas pa ng mata si Sharksfin nung tiningnan ang kit.

Ay may baby na!?!

Kinaumagahan, bumili ulit kami ng dalawang kit. Ganun ulit ang resulta. Hindi na ako nagyoyosi this time.

Oh yes. We are!!!




Date adjusted... late na na-post eh. :-)